.:::Love's Cute Spot!:::.



Thursday, September 07, 2006

+ A Trip to Mt. Banahaw = D +

Mt. Banahaw


Hello po! Ngayon lang ulit ako nakapost. Hehehe. Haaay... Ang sakit ng katawan ko. Kahapon kasi yung Field Trip namin. Pumunta kami sa Mt. Banahaw pero sa Complex 1 lang. Ang saya talaga! Ito yung mga nangyari:



4:00 a.m. ako nagising kasi sabi ng schoolbus susunduin nila ako ng 4:45 a.m. Hay... Ang aga nun. Ako yung una nilang sinundo. 3 lang pala yung sasabay sa schoolbus.

Nung nasa school na kami, akala ko konti palang yung tao pero marami na pala. Sobrang excited na akong pumunta sa Mt. Banahaw!

Nung nasa bus na kami, nagpray muna bago kami umalis. Tapos nagpakilala na yung mga facilitator namin. Si Kuya Ron yung team leader namin tapos yung iba ay sina Kuya Eman, Kuya Jan at Ate Tina. Madaming sinabi yung mga facilitator namin. Binigyan din kami ng journal. Madami akong natutunan sa kanila. Hehehe. Tawag din pala sa amin ay STEVE CAMBEE. Ganito yun:

Steve..
Cambee!
Jolibee..
Kain na tayo!

Hehehe. Pinatulog din pala kami ng 10 min. kasi marami sa amin ay inaantok. Nung nakarating na kami sa Mt. Banahaw, pumunta na kami sa isang Church. Nakalimutan ko yung pangalan eh. Nagstretching kami dun at nagCR. Pagkatapos ay pumunta kami sa may mga souvenir. Mahabahaba din yung nilakad namin. Pagkatapos nun ay bumaba kami ng hagdan na may 270 steps. Grabe! Napagod ako dun. Lalo na yung pataas na kami. Nung nasa baba na kami, naligo kami sa buhok ng ina (waterfalls yun). Isa yun sa mga puwesto sa Mt. Banahaw. Ang lamig nun pero masarap kasi naiinitan na ako nung mga oras na yun. Malinis yung tubig nun pero hindi ako nakainom. Pagkatapos ay pumunta kami sa Jordan River kung saan ay lumubog kami ng 3 beses. Ang lamig din nun! Pagkatapos ay umakyat na kami (pagod na pagod ako nun). Pumunta kami sa tinatawag nilang pintuan ng Mt. Banahaw. Pagkatapos ay pinuntahan namin yung may book of life na kung saan ay isinulat namin ang aming mga surname. Pagkatapos nun ay nagtanghalian kami sa isang lugar na malapit sa Husgado. Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa Husgado. Ang husgado ay isang crack o cave na masikip. Kapag natapos mo daw yun ng walang sugat ay napatawad na ang mga kasalanan mo ng 7 years (ayon yun sa mga tao dun). Iilan lang sa amin ang pumasok. Kahit na natakot ako ay pumasok pa rin ako. Nung nasa loob na ako, medyo natakot ako kasi akala ko di ko matatapos yun. Pagkatapos ng ilang oras ay nakaalis din ako. Ang saya saya ko nun kasi akala ko talaga di ko magagawa yun. Mahirap talaga pero kaya. Pagkatapos nun ay pumunta na sa Kalbaryo yung iba. Di ako sumama kasi pagod na pagod na ako nun. Si Lulu, Kiela at Mica ay hindi din sumama. Kasama namin sina Ms. Gem, Ms. Jham at Sir Ricky. Habang naghihintay kami ay nagkuwentuhan kami ng mga bagay bagay (hehehe). Nung nakabalik na yung iba, pumunta na kami sa bus. Mahabahaba ulit yung nilakad namin. Bago umalis ay pumunta muna kami sa Ciudad Mistica. Yung simbahan nila ay may ilang pagkakaiba sa simbahan natin. Pagkatapos nun ay umuwi na kami. May mga sinabi ulit yung mga facilitator namin. Sabi nila ay mayaman talaga ang Pilipinas. Naniniwala ako dun kasi mayaman naman talaga tayo. Hindi lang natin ginagamit ng tama ang mga rekurso natin. Nagkuwento din pala ng mga Horror Story si Kuya Ron. Natakot talaga ako nun. Nung nagstopover kami, sumabay sa amin si Kuya Bidz. Tagawazzup!wazzup! siya. Nakakatuwa talaga siya. Hehehe. Nung nakarating na kami ng school, medyo malungkot ako kasi tapos na yung field trip pero masaya pa rin ako dahil nakasama ako dun. Umuwi na ako pagkatapos nun.



Ito ata ang PINAKAMAHABA kong post. Hehehe. Hindi ko talaga makakalimutan ang Field Trip na 'to. Sige, kailangan ko na pong umalis. Hanggang sa muli! ^0^

Betina posted @ 1:45 PM

_________________________________________________


PROFILE

Name: Betina
Age: 15 years old
I'm a true friend, cheerful, friendly, helpful, God-fearing, and kind. I'm also a Setonian.


Visit Cute-Spot.com!

Visit Cute-Spot.com!

Visit Cute-Spot.com!

Likes

I LOVE GOD!
I LOVE MY FAMILY and FRIENDS!
Card Captor Sakura!
PINK!
Anime!
Listening to music
Playing computer and online games
Surfing the net
Drawing
Eating and sleeping
Good and friendly people

Dislikes

Anything scary o_0
Liars
"Plastic", selfish, and boastful people

Link me





TIME

*You can click it


LINKS





Kuya Cyon
Kuya Gian
Photobucket - Video and Image Hosting
Marj
Michi
Ayumi
Obie
Anna
Jemima

Ituloy Angsulong
Monic



TAG BOARD


ARCHIVES

January 2006

February 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

September 2006

December 2006

February 2007

March 2007


CREDITS

starwings-
blogskins


Blinkie Makers!